Kulay

February 19th, 2006

Dj

Simple lang naman ang buhay ko. Bahay, trabaho,
simbahan. Gan’yan lang. Paulit-ulit lang. Masaya naman, pero walang
kulay. Walang problema, pero wala ring excitement. Safe, pero boring.

Tapos dumating ka. At ang black & white kong mundo ay naging sepia.

Ang
drama ko, no? Pasensiya ka na. Ganyan lang talaga ako magka-crush.
Parang baliw. Magda-drama, pero comedy naman ang dating.
Ngingiti-ngiti, pero nakataas naman ang kilay. Titingin-tingin, pero
hindi naman magsasalita. Parang may gustong sabihin, pero mananahimik
na lang.

Ang labo ko no? Pasensiya ka na. Malabo lang talaga pag
sepia. Siguro kapag technicolor na ang mundo ko, magiging malinaw na
rin ako at makulay - parang yung polo mong kulay kendi. Kelan kaya yun
ano? Siguro pag nag-react ka na sa munting blog ko na ‘to. Ang tanong,
magre-react ka nga ba o mananahimik na lang kagaya ko?