Kulay
Simple lang naman ang buhay ko. Bahay, trabaho,
simbahan. Gan’yan lang. Paulit-ulit lang. Masaya naman, pero walang
kulay. Walang problema, pero wala ring excitement. Safe, pero boring.
Tapos dumating ka. At ang black & white kong mundo ay naging sepia.
Ang
drama ko, no? Pasensiya ka na. Ganyan lang talaga ako magka-crush.
Parang baliw. Magda-drama, pero comedy naman ang dating.
Ngingiti-ngiti, pero nakataas naman ang kilay. Titingin-tingin, pero
hindi naman magsasalita. Parang may gustong sabihin, pero mananahimik
na lang.
Ang labo ko no? Pasensiya ka na. Malabo lang talaga pag
sepia. Siguro kapag technicolor na ang mundo ko, magiging malinaw na
rin ako at makulay - parang yung polo mong kulay kendi. Kelan kaya yun
ano? Siguro pag nag-react ka na sa munting blog ko na ‘to. Ang tanong,
magre-react ka nga ba o mananahimik na lang kagaya ko?
3 Responses to “Kulay”
Leave a Reply

oh girl…..how can i help you ba?? sabi mo nga ang iyong mundo ay sepia at hindi technicolor, and i could not think of ways to make it technicolor! hehehe! eh bakit di mo na lang kaya kulayan yang drawing na yan? ilabas mo ang totoong kulay at nang magkaalaman na! sabi mo nga boring ang buhay mo…so put some spice and thrills on it! go! gusto mo ako magkulay? di nga lang ako kasing galing mo! hehehe!
pero girl, kidding aside ha..you’re some kind of a poet! you are very good in putting your thoughts into words! really i admire you for that…..for that only! hehehe! kasi puro ka lang sulat! ayaw mo naman kumilos! don’t you think it’s about time???!! kilos na girl!
hi tulongan mo poh naman aq nagawin ung friendster ko!!!!??janine_cortez2000@yahoo.com
hi!!!tulongan mo poh aq nagawin ung friendster ko ang email poh janine_cortez2000@yahoo.com ang gandah poh kc nga friendster mo e…. bye……….. ingatz…………… 2lungan mo sana aq