Nawawala

March 7th, 2006

Nawawala ang lighter ko.
Bakit ganon, ano?
Kung anong kailangan mo,
siya pa ang di mo matunton.

Sigaw ng damdamin, "Nawawala ang puso ko.
Di ko makita. Hindi ko matunton."
Sagot ng isip, "E bakit mo pinamigay,
Tanga ka pala eh, ayan, di ka tuloy mapalagay."

Bakit nga ba ang kailangan mo
ay ang siyang nawawala sa’yo?
Pasens’ya na kayo sa drama ko,
nawawala na yata ako sa sarili ko.

Kailangan ko lang sigurong manigarilyo
Asan na nga ba kasi yung lighter ko?




One Response to “Nawawala”

  1.   Reginald on March 8, 2006 6:42 am

    Naku, may nag-mating (nagnakaw) na ng lighter mo…kaya kung ako sa ‘yo, posporo na lang gamitin mo…di pag-iinteresan ng malilikot ang kamay, may option ka pa kung ano mang stick ang kakaskasin mo….hehehehe….

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind