Nagbabalik

October 29th, 2006

Umalis ka na.
Ba’t ka pa nagbalik?
Akala ko ba wala ka na?
Anong ginagawa mo dito?
Umalis ka na.
Hindi mo ba nakikitang meron ng iba?
Dahil ba dun kaya ka nagbalik?
Ang labo mo naman.
Umalis ka na.
Kahit pa gustohin na ibalik sa dati,
Hindi na pwede…
Ano pa ginagawa mo dito?
Umalis ka na.
Ginugulo mo lang ako.
Sinasaktan.
Pinapaasa sa hindi na dapat asahan pa.
Umalis ka na.
Hindi na kita kailangan pa.
Wala na itong patutunguhan,
Paikot-ikot lang…
Umalis ka na.
Ba’t ka pa nagbalik?




Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind