Nagugulo
December 13th, 2006
Nadama mo na kaya ang nararamdaman ko ngayon
Sa mga oras na ‘to, na ako’y dapat mahimbing ng natutulog,
Hindi ko maalis sa isipan ko, "Paano kaya kung ganoon?
Paano kaya kung ang pinangangamba ko ay totoo?"
Natatakot akong gumalaw. Ayokong magkamali.
Ayokong malaman. Ayokong pagbulaybulayan.
Ayaw kitang makausap at ayaw din kitang hindi pansinin.
Ayokong malaman mo pero ayokong pagtakpan
Ang gulo. Ginugulo mo na naman ako.
Sa tuwing umaalis ka, nawawala ako.
At sa tuwing bumabalik ka, naliligaw ako.
Paano nga ba? Paano ba ‘to? Asan na ba ako?