Dear Boss Estranghero Sir,
Nalilito ako. Naiinis ka; Sinabi mo sa’kin kung bakit at pinilit kong ayusin… Ngunit ngayon mas nagalit ka pa yata. Ehek. Ano ba talaga ang gusto mo?
Hindi ko maintindihan. Tulad nga ng kasabihan sa banyaga, "Damned, if you do! Damned, if you don’t!".
Dito na ba magtatapos ang lahat? Kung sabagay, matagal tagal na rin naman tayong magkakilala… Magiisang taon na rin, pwede na siguro yun. Haha. Marami na tayong napagdaanan. Maraming kwento. Masaya, malungkot, magulo, pero ang kabuuan naman ay masaya. Maraming bagong dumating at marami naring umalis… Hehe.
Ikaw? Aalis ka na rin ba? Ok lang. Kung dun ka ba sasaya. Sige, umalis ka na. Magpaalam ka lang, ha? Oh, gusto mo ba pigilan kita? Sige. Wag kang umalis. Dito ka lang.
Ipaliwanag mo na lang sa’kin kung ano ang gusto mo para yun na lang ang gagawin ko. Kaso ang problema ay parang hindi mo naman yata alam kung ano ba talaga ang gusto mo.
Nakakatawa. Dahil ikaw yata ang nalilito at hindi ako.
Dibale, iintindihin na lang kita. Yun lang naman ang silbi ko sa pagkakaibigan natin. Ang intindihin ka, diba? Haha. Ano pa ba ang katuturan ng aking pagiging kalihim at payaso mo kung hindi kita iintindihin.
Ayan, ha. Ako na ang sumuko. Kasi alam ko na hindi dadating ang araw na pawawalan ka ng pride mo.
Oh ano ba talaga ang problema?
Pero ang tunay na tanong ay, kaya mo bang sabihin sa’kin o ipagkakaila mo pa na may problema? At ang mas importanteng tanong ay alam mo ba kung ano ang problema o nalilito ka pa?
Uncategorized |Leave a Reply