Suki, bili na kayo…
Sabi ng boytoy-hlaber kaibigan ko, dito na lang daw ako magblog, kasi hindi daw kumikita ang blog ko sa blogspot. Kaya eto sinusubukan kong magblog muli…
Bakit nga ba ang tagal kong hindi nagblog? Ganon nga ba ako talaga ka-busy? Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong "Oo". Ang totoo n’yan, maraming bumabagabag sa utak ko. Marami akong pinagbubulay-bulayan. At marami din akong kailangan malaman… Tulad ng…
Magkakatuluyan ba talaga si Tsukashi-san at si Tsukasa-san. At iniisip ko din, kung totoo kayang malalaglag ang panty ko kapag nakita ko si Matsumoto Jun sa tunay na buhay, lalo na pag sinabihan n’ya ako ng "I rrrab you". Kung saan naman ang isasagot ko ay, "Huway yes, Jun-san, rrrab me. Nakawan mo ako. Now na. Este mahalin pala. Or samting… Aishitemasu forever sanrio suzuki daihatsu toyota sushi sashimi tempura. Kisskiss.", sabay nakaw ng halik. At sa puntong ito, ang masasabi na lang ni Jun-san ay, "WTF?!"
Siguro, ganyan din ang naiisip ninyo ngayon… "WTF? Ano na naman kaya ang na-hitit nitong si Danabelle at biglang napapanood ng Asianovela?" Ang sagot ko naman ay, "Wala…" At sa totoo lang, yun nga ang masama doon. Dahil SOBER akong nanonood ng hindi ko dapat pinapanood.
"Bakit? Ano ba ang masama sa Asianovela?", ang tanong naman ng iba, na ang sagot ko naman ay, "Wala. Tulad din ng walang masama sa Anime, at sa Manga, at sa Harry Potter, at sa lahat ng bagay na naa-associate sa Pop Culture disguising as that awesome-kunwari-hindi-pop thingyblahblah."
Hindi ako ito… Pero, anong magagawa ko? Nadala na ako sa agos na di ko dapat sabayan. Masaya naman. Acceptable. Yun nga lang, hindi talaga ako yun. At hindi yun ang gusto ko.
Kung susuriin ng maigi, may ibang ibig sabihin ang lahat ng isinulat ko na ito. At kung kilala mo talaga ako, alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin sa pag-amin ko na isa akong "sell-out". Oo, uulitin ko pa, "sell-out" ako. Binenta ko ang ideals ko para sa isang bagay, na kung titignan ng iba ay isang napaka "trivial" lang. Pero, para sa akin, sa puntong ito ng buhay ko, importante ito. Ito ang bumabagabag sa akin ngayon. Ang pagbenta at pagtanggap ng kapalaran na ayokong harapin… Ang kapalaran na hindi ko na kayang ibalik at ipagpalit. Ito ang katotohanan na kailangan kong lunukin… Ang katotohanan na…
Tinatamad na akong mag-type.
Bow.
Uncategorized | Comment (1)